Ang hirap sumulat ng tulang Tagalog

Gaano ba kahirap sumulat ng tulang tagalog?
Tingin ko kasing hirap ng dinaranas ko ngayon
Hindi malaman pano mag simula at pano matatapos ang mga bagay bagay
Malayo ito sa tula
Ito ay mga kathang isip lamang na pilit kong isinasalin sa ating wika
Walang saysay ang bawat salita dahil lutang ang aking damdamin
Pilit kong sinasabi sa sarili na may mga bagay na sadyang hanggang ganon na lamang
Pero sa bawat saglit, isang matinding dagok ng kalungkutan ang aking nararamdaman
Talagang mahirap sumulat ng tulang tagalog
Parang pagmamahal lamang
Komplikado at minsan hindi alam kung saan patungo ang direksyon

Advertisements

10 thoughts on “Ang hirap sumulat ng tulang Tagalog

    1. Mielle, maraming salamat. Medyo challenging talagang sumulat ng mga saloobin sa ating sariling wika. Pero ang sarap pakinggan 🙂 Wag kang mag alala… kayang kaya mo yan, makakayanan natin to.

      Magandang araw sayo!

  1. Hindi rin ako nahilig magsulat sa Filipino noon kasi medyo mayabang ako at nagkaroon ako ng ideyang mas astig ka kapag magaling kang magsulat sa Inggles. Maling-mali ako. Bukod sa hirap din ako sa Inggles, nadiskubre kong napakaganda ng ating wika. Mas may lalim at emosyon. Masarap pakinggan. Mapuso. Hindi rin ako ganoon kahusay sumulat ng mga tula pero pag may sapat na inspirasyon at angkop na panahon, nagiging madali ang pagdagsa ng salita! Happy blogging sa Filipino at Welcome sa Pagpapakamata! It’s a very welcome treat for your blogger fans! 🙂

    1. Maraming salamat kapatid! Talaga naman napakaganda ng iyong mensahe. Tama ka… Ang ganda ganda ng ating wika. Dadamihan ko pa ang aking mga paksa sa wikang tagalog para mas masanay pa ako. 🙂 salamat ar nagustuhan mo ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s