Isang pagkakataon

Kung biktima tayo ng nakaraan

Hahayaan na lang ba natin na hanggang doon na lang?

Kung pede naman balikan

Bakit hindi natin subukan

 

Kung sa tingin mo dapat natin ipagpaliban

Ang pag-ibig na sana’y walang hanggan

Para san pa na ating pinangako

Ang walang katapusan?

 

Oo, nananiniwala ako sa kabilang buhay

Ngunit kailangan pa bang hintayin iyon

Upang makapiling ka?

Upang masabi na hindi sayang ang bawat umaga?

 

Bakit di natin subukan…

Ang balikan ang nakaraan?

Ng ating matikman ang tamis ng kasalukuyan

Patungo sa magandang kinabukasan