Saloobin

Susulat ako ng buong P.U.S.O.

Lahat sasabihin ko na dito dahil gusto ko lang ilabas lahat ng aking saloobin sa mga bagay na hindi ko naman inaasahan. Unang una, okay na okay lang naman ako eh. Ni wala nga akong pakialam kahit wala akong ‘love life’. Bakit? Kasi keri naman sakin mag-isa pag katapos ng mahigit kumulang na 5 year relationship.

Ang sarap kaya ng single!!! Ansaveh? Haha! Promise, wala kang kelangan paalamanan at hawak mo kada segundo ng buhay mo. Ansaya diba?

Yun nga lang. Dumating ka.

At naging interesado ako. (!@#$%^&*)

At tila ba nag bibiro ang mga bituin sa langit dahil patay na patay ata ako sayo at kulang nalang itaya ko lahat ng baraha ko. Sa bandang huli, mag e-emo na naman pala ako pag dilim ng langit at sa bawat pagpatak ng butil ng ulan, gusto ko na din umiyak.

Pero hindi, kaya ko to. This too shall pass. Mahirap pilitin kung hindi tayo gusto ng ating taong pinagkakainteresan. Kaya babalik ako sa pagiging okay. As if may choice ako. Ilang beses na din ako dumaan sa landas na ito. Dapat nga siguro may ideya na ako na pedeng humantong ang lahat sa ganito. Pero naniniwala ako sa SPARK, kahit anong sabihin nila at kahit tingin ng aking mga magulang ay oras na para mag-asawa ako (Wahhhhhhhh!) Makakapaghintay ako ng Spark at One True Love.

Ang hirap sumulat ng tulang Tagalog

Gaano ba kahirap sumulat ng tulang tagalog?
Tingin ko kasing hirap ng dinaranas ko ngayon
Hindi malaman pano mag simula at pano matatapos ang mga bagay bagay
Malayo ito sa tula
Ito ay mga kathang isip lamang na pilit kong isinasalin sa ating wika
Walang saysay ang bawat salita dahil lutang ang aking damdamin
Pilit kong sinasabi sa sarili na may mga bagay na sadyang hanggang ganon na lamang
Pero sa bawat saglit, isang matinding dagok ng kalungkutan ang aking nararamdaman
Talagang mahirap sumulat ng tulang tagalog
Parang pagmamahal lamang
Komplikado at minsan hindi alam kung saan patungo ang direksyon

Mahal kita, ng sobra

heart

Hindi ko alam kung paano ipararating sayo

Ang tunay na nararamdaman ng puso ko

Kung ang tadhana ay hindi talaga para satin

Wag natin itong pilitin

Masakit man at ayaw kong tanggapin

Sa ganon din hahantong ang lahat

Ang sarap pakinggan ng sinabi mong “Mahal kita”

At mas masaya ako ng sinagot kong “Mahal din kita”

Ngunit pag dugtong ko ng salitang “sobra”

Wala ka na

Sugatan man ang puso ko

Alam ko maghihilom din ito

Kung di man ngayon

Sa darating na panahon

Sa huling pagkakataon, nais kong sambitin

“Mahal kita, ng sobra”